Mabuti pa ang iba...

Mabuti pa ang cellphone, pwede ma-lowbatt.
Mabuti pa ang PC, may hibernate at shutdown.
Mabuti pa ang ref, paminsan-minsan dine-defrost.
Mabuti pa ang TV, pwedeng i-off.
Mabuti pa ang aircon, may fan mode.
Mabuti pa ang araw, sumisikat at lumulubog.

Eh ang pagiging ina?

Si Nanay di pwedeng ma-lowbatt, laging "on-call".
Si Mama di pwedeng mag-shutdown, bawal magkasakit.
Si Mommy di pwedeng ma-defrost, hindi natutunaw ang lakas.
Si Inay di pwedeng i-off ang pag-aaruga.
Si Mom walang fan mode, laging bumubuga ang pagmamahal.

Mabuti pa ang iba, pwedeng magpahinga.
Ngunit ang pagiging isang ina...
24/7, walang tigil, walang katapusan.

Isang pagpupugay sa iyo, ina, sa araw mo.
Maligayang Araw ng mga Nanay!

[signature-+not+bold.jpg]

4 comments:

  1. Happy mother's day to you and your mom!

    ReplyDelete
  2. Hi there pinay richmom. Thanks for dropping by my blog. sure we can exchange link. I have my auto link on my blog. You could just go ahead and add ur URL. Thank you and happy mother's day.

    ReplyDelete
  3. Sorry for the late reply, but gee, thanks for the warm greetings! :)

    ReplyDelete
  4. nice naman..
    for mommies talaga...
    tama talaga lahat ito...

    ReplyDelete